Jekoy vlog
A single dad & a kidney warrior �
Tagalog version🎵🎵🎵
Sa mga ckd warriors dyan. Ang kantang eto na ginawa ko ay para sainyu sana magustohan nyu😘🤞🏼❤️
Session 2 for this week♥️
13/01/2026
22 years death anniversary of my Fathers!
Miss you pa❤️
08/01/2026
STORY TIME OF A LIFE FOR BEING DIALYSIS PATIENT
Marami ang waLang ideya sa kung anong sakit ang CKD or CHRONIC KIDNEY DISEASE. Tingin ng iba ee simpleng sakit Lang to na ipahinga mo Lang ay okay na. Pero hinde. Kase buong buhay naming mga dialysis patient haLos sa threatment na iikot. 2x or 3x a week kami pupunta ng ospital para makapag threatment. Pag nag skip kami sa threatment kami rin mahihirapan. 3x a week na tutusukan ng karayom sa braso para Lang masaLa mga toxic na nasa loob ng katawan dahil hindi na nafifilter ng kidney lahat ng mga pumapasok sa katawan namin.
Meron ding pagkakataon na maLakas kaming papasok sa dialysis center uuwi kami na hinang hina at masama pakiramdam. May time din na bigla kang hihingalin habang nakasalang at mag chichill. Sobrang dami pang mga bawal. Bawal sa prutas kase tataas potassium. One liter na tubig lang kase maaari kang manasin. Bawal sa red meat kase tumataas yung crea. Bawal mapagod kase hihingaLin. BawaL sa matatabang pagkain kase laging mataas yung bp. Madalas pang mababa yung p**a ng dugo kaya kelangan saLinan ng dugo.
Sa mga tulad namin masasabi ko taLaga na isang paa na namin ay nasa hukay. Kasi anytime pwede sumumpong yung sakit namin. Minsan sobrang moody rin kami. Dahil rin sa epekto ng mga maintenance. Kaya sa mga bantay ng mga pasyente habaan nyo lang paLagi pasensya nyo wag nyo awayin pasyente nyo.
Last threatment ko , okay ako pumasok sa dialysis. NasaLang ako ng maayos. Pero after 10 mins nakaramdam ako ng pagsikip ng paghinga. Sobrang hirap kung ano ano na tumatakbo sa isip ko. Dagdag mo pa yung isiping ilan na lang kami natitira sa mga kabatch ko sa dialysis. Kulang isang oras ko din ininda yung paghabol sa hininga ko. Pero saLamat parin sa Ama dahil nanatili akong matatag.
Kaya kung may kilala kayo na DIALYSIS PATIENT at nagagawa pong tumawa maging masaya at hanggang ngayon buhay pa. Kabiliban nyo. Kase hindi biro yung laban na meron sila kumpara sa mga taong problema lang e pera relasyon at trabaho. until my last breath laban lng.💪💪💪
03/01/2026
❤️💜💙
DIY toktok painting🎨🖌
28/12/2025
Please follow and share guys🥰
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
9000
