Puti-Puti Vlog
Sincerity entails action without expecting recognition. Puti-Puti Vlog
Ang totoong natatakot sa DIOS ay kumikilala at tumutupad sa utos.
Nakikita sa bunga. May pagsunod ang totoong takot sa DIOS.
゚viralシ
Huwag ituro sa bata ang galit ng tao; ituro ang pag-ibig, sapagkat ang galit ay hindi gumagawa ng katwiran ng DIOS, ngunit ang aral ng Diyos ay Pag-ibig na syang dapat mananatili hanggang wakas.
゚
03/06/2026
Hindi ko kontrolado ang lahat ng mangyayari sa buhay ko
May mga bagay na magpapayanig sa akin,
Ngunit hindi ako nagtitiwala sa sarili kung lakas, Dahil nakalagak ang tiwala ko sa DIOS na nakakakita ng aking kalagayan at nakakaalam ng aking pinagdaraanan.
゚
31/05/2026
Hindi lang sila minamahal dahil “obligasyon,
kundi dahil sa alaala ng sakripisyong hindi mo kayang bayaran,
at sa presensya nilang minsang naging sandigan ng buong pagkatao mo.
Sapagkat kung dahil sa paghahanap ng kabuhayan ay nakalimutan natin ang nagbibigay-buhay, hindi ba't para na rin nating sinabi na mas mahalaga ang biyaya kaysa sa Pinagmulan ng biyaya?
゚
Ang Diyos ang mas mataas sa lahat ng kapangyarihan, kaya hinihiling natin na gabayan Niya ang mga lider sa tama.
Hindi lahat ng nasa trono ay matuwid,
pero ang puso ng nananalangin ay hindi naghahangad ng pagbagsak,
kundi pagbabago, gabay, at kapayapaang manggagaling sa Diyos.
Hanggang saan ka aabot…
bago mo mapansin na ang matigas mong puso
ang mismong pumipigil sa pagbabago na hinihingi mo?
Kapag ang pag-asa ng tao ay nasa kapangyarihan lang,
madaling masira ang pananampalataya niya sa buhay.
Dahil habang ang puso ng tao ay walang takot sa Dios,
kahit gaano kataas ang posisyon,
kayang lunurin ng kasakiman ang konsensya.
Kaya ang korapsyon,
hindi lang problema ng gobyerno
repleksyon ito ng pusong lumayo sa katotohanan.
Dahil ang tunay na pagbabago ng bayan,
hindi nagsisimula sa palitan ng pangalan sa pwesto,
kundi sa pagbabagong kayang gawin ng Dios sa puso ng tao.
At dito natin mauunawaan:
kapag sa tao lang tayo umasa,
madidismaya tayo.
Pero kapag sa Dios tayo kumapit,
magkakaroon tayo ng pag-asang hindi kayang nakawin
ng kasinungalingan,
kapangyarihan,
o korapsyon.
“Sa Lalong Pag-ingay ng Lipunan, Unti-Unting Namamatay ang Pag-unawa”
Click here to claim your Sponsored Listing.
