Brother Tomy

Brother Tomy

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brother Tomy, .

30/12/2025
30/12/2025

an mo kung Mahal mo Si god mag amen ka namn 🙏🏼🙏🏼

30/12/2025

# an mo kung Mahal mo Si god mag amen ka namn 🙏🏼🙏🏼

26/12/2025

Sobrang ingay ng motor niya kaya nagalit ang mga diwata at ayaw na nitong umandar

May motor ang pinsan ko na si Aris. Lumang modelo na pero sobrang ingay. Kahit naka-idle lang, parang sasabog na. Ilang beses na siyang sinabihan ng mga kapitbahay na hinaan o ipaayos, pero lagi niyang sagot, “Ganun talaga ‘yan.”

Isang gabi, dumaan siya sa lumang daan papunta sa bundok. Shortcut daw kasi at mas mabilis. Alam namin na bawal dumaan doon lalo na kapag gabi. May maliit na tulay at maraming puno sa paligid. Sabi ng matatanda, may mga diwata raw doon at ayaw nila ng maingay.

Hindi siya nakinig.

Pagdating niya sa gitna ng daan, todo rev pa siya ng motor. Tumatawa pa raw siya habang umaandar. Bigla na lang namatay ang makina. Isang iglap lang. Walang putok. Walang warning.

Sinubukan niyang i-start ulit. Ayaw.
Sinubukan niya ulit. Ayaw pa rin.

Tahimik ang paligid. Walang hangin. Walang kuliglig. Tanging ilaw lang ng motor ang bukas. Doon niya raw napansin na parang may nagbubulungan sa paligid. Hindi malinaw ang salita, pero ramdam niyang galit.

Bigla raw bumigat ang motor. Parang may umupo sa likod kahit wala namang tao. Nang tingnan niya ang side mirror, wala siyang nakita—pero may bakas ng kamay sa alikabok ng upuan.

Natakot na siya. Humingi siya ng tawad kahit hindi niya alam kung kanino.

“Pasensya na,” sabi niya. “Aalis na po ako.”

Pagkatapos niyang magsalita, saka lang umandar ang motor. Hindi na siya nag-ingay. Diretso na siyang umuwi.

Kinabukasan, dinala niya ang motor sa mekaniko. Sabi ng mekaniko, walang sira. Maayos ang makina. Parang hindi raw kailanman tumirik.

Simula noon, hindi na siya dumadaan sa lumang daan. At pinaayos na rin niya ang tambutso ng motor. Tahimik na ito ngayon.

Sabi ng lolo ko nang marinig ang kwento,
“Hindi lahat ng lugar, gusto ng maingay. Yung iba, gusto lang ng respeto.”

At mula noon, kapag dadaan kami sa bundok,
pinapatay muna namin ang motor bago tumawid sa tulay.

26/12/2025

APOY SA KANYUGAN

Magandang gabi po, Kuya Mid.

Ako po si Jandee, nakatira sa Davao City. Ang ibabahagi ko po ay kwento ng papa ko na madalas niyang ikinukwento sa amin noon, lalo na kapag tahimik na ang gabi at tapos na kaming kumain.

Noong kabataan pa raw ni papa, marunong na siyang mangaret, yung pag-akyat sa puno ng niyog para kumuha ng tuba. Isang gabi raw, inutusan siya ng tatay niya na sunduin ito sa kanyugan dahil ginabi na sa pangangaret.

Noon daw, wala pang ilaw sa lugar nila. Tahimik ang paligid at puro puno lang ang makikita. Kaya mano-mano talaga ang lakad. May dala lang si papa na apoy bilang ilaw habang naglalakad papunta sa kanyugan.

Habang papalapit siya, may napansin daw siyang isa pang apoy sa loob ng kanyugan. Nagtaka siya kasi alam niyang ang tatay niya ay wala namang dalang ilaw dapat. Pero inisip na lang niya na baka may ibang taong nangangaret din sa gabi.

Hindi na lang niya iyon pinansin.

Sumigaw si papa para malaman kung nasaan ang tatay niya. Sumagot naman daw ang boses ng lolo ko. Kaya mabilis silang nagkita at nalaman niyang pauwi na rin pala ang lolo ko noon.

Habang sabay silang naglalakad pauwi, bigla raw silang may nakasalubong na matandang lalaki. Uugod-ugod ito, mabagal maglakad, at nakayuko ang ulo.

Tinawag siya ni papa at tinanong sa wika nila,
“Saden ka pakon, Nay?”
(Sa Tagalog: “Saan ka pupunta, Nay?”)

Hindi raw sumagot ang matanda. Dumaan lang ito sa pagitan nilang dalawa. Tahimik. Walang imik.

Pagkalampas daw ng matanda, doon napansin ni papa na wala itong anino, kahit may dala silang apoy.

Doon na raw siya kinabahan.

Paglingon niya pabalik sa kanyugan, wala na rin yung apoy na una niyang nakita. Parang bigla na lang nawala.

Hindi na raw nagsalita si papa hanggang makarating sila sa bahay. Pagdating nila, saka lang niya ikinuwento sa tatay niya ang lahat ng napansin niya.

Tahimik lang daw ang lolo ko, tapos sinabi lang nito,
“Buti at hindi mo kinausap nang matagal.”

Simula raw noon, hindi na muling nangaret si pa

24/12/2025

If you had one wish guaranteed to come true this Christmas, but it couldn’t be for yourself, what would it be?

24/12/2025

hi guys follow may page 🙏🏼 maraming Salamat sain nyo 😊

26/07/2024

Good Afternoon everyone anong hapunan Mo gayun

26/07/2024

Eating rambotan para ikaw ay kalimutan eyy Haha .Labas mga Followers

20/06/2024

Mention mona🥰

Website