SKYDirect La Union

SKYDirect La Union

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SKYDirect La Union, Rajshahi Division.

14/03/2025

Abangan Ang Pagbabalik!

SKY DIRECT, MAGBABALIK-SERBISYO NA MATAPOS ANG HIGIT APAT NA TAON

Matapos ang higit apat na taon, magbabalik-serbisyo na ang SkyDirect sa ilalim ng bagong ownership. Nakuha ng Reliance Broadcasting Unlimited o ang RBU, ang content at media affiliate ng Converge ICT Solutions, Inc., ang nasabing cable at broadband service at pinaghahandaan na ang muling paglunsad nito ng satellite TV service, na posibleng mangyari sa susunod na buwan.

Maaalalang natigil ang operasyon ng SkyDirect noong Hulyo 2020, kasabay ng mga free-to-air TV channels ng ABS-CBN, gaya ng MYX, Knowledge Channel, CineMo, YeY, DZMM TeleRadyo, Asianovela Channel, Jeepney TV at marami pang iba, kasunod ng alias cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission o NTC.

Sa kanilang pagbabalik, mag-aalok ang SkyDirect, na nakapagsilbi na noon ng libu-libong kabahayan sa bansa, ng affordable subscription plan para sa existing customers nito. Makaka-avail ang subscribers ng isang package na naglalaman ng 50 channels sa halagang Php99 kada buwan, upang mas maranasan ang de-kalidad na klase ng entertainment para sa mas malawak na audience.

Ang naturang pagkuha o acquisition ay napakalaking bagay sa local broadcasting industry, kung saan, mas pinapatibay ng Converge ang kanilang presensya sa content distribution sa pamamagitan ng RBU. Kaabang-abang para sa industry experts ang nakatakdang pagbabalik ng SkyDirect, na magbibigay ng mas malakihang kumpetisyon sa satellite TV market, at magbibigay sa consumers ng mas maraming pagpipilian para sa kanilang pangangailangan sa home entertainment.

Inaasahang iaanunsyo ang iba pang detalye, lalo na ang opisyal na re-launch nito at lineup ng channels sa takdang panahon, na tiyak na aabangan ng mga dati at potensyal na subscribers sa pagbabalik ng SkyDirect.

Photos from SKYDirect La Union's post 14/03/2025
Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Rajshahi Division?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Rajshahi Division