Akesha Mini Vlog
Content creator
O Yahweh, ikaw ang aking Diyos.
Pupurihin ko at dadakilain ang iyong ngalan;......
Ikaw ang pag-asa ng mahihirap,
Kublihan ng mga nasa kagipitan,
Silungan ng mga nasa gitna ng init at ulan.
Sa harap mo'y mabibigo ang marahas,
Parang hanging bumabayo sa matibay na muog.
Isaias 25:1a, 4
Mabiyayang araw sa lahat. Kapayapaan lagi...
Ngunit minsan pang ibubuhos sa atin ang Espiritu.
Kung magkagayon ang ilang ay magiging matabang lupa
At ang bukirin ay pag-aanihan nang
sagana.
Ang katuwiran at katarunga'y maghahari sa lupain....
Ang bayan ng Diyos ay malalayo sa kabalisahan
At mamumuhay nang tiwasay.
Isaias 32:15-16,18
Purihin si Yahweh!
O kaluluwa ko, ang Diyos papurihan!....
Sa Diyos na lumikha niyong kalangitan,
Ng lupa at dagat, at lahat ng bagay
Ang kanyang pangako ay maasahan.
Panig sa naaapi, kung siya'y humatol
May pagkaing handa, sa nangagugutom...
Awit 146:1,6-7
Nasa tao ang pag-iisip at pagbabalak
Ngunit ang tagumpay ay sa Diyos nagbubuhat...
Itiwala mo kay Yahweh ang iyong
mga gagawin
At magtatagumpay ka sa lahat mong layunin....
Ang tao ay nagbabalak,
Ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.
Kawikaan 16:1,3,9
Ang hangad kong tulong, sa Diyos magmumula,
Sa Diyos na lumikha ng langit at lupa....
Sa mga panganib, ikaw'y ililigtas nitong Panginoon, siyang
mag-iingat.
Saanman naroon, ikaw'y iingatan,
Di ka maaano kahit na kailan.
..Awit 121:2,7-8
God bless us all, always!!
🥰🙏🌹🙏🤩
Pagdating ng huling Araw, marami ang magsasabi sa akin, Panginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga kababalaghan sa inyong pangalan! At sasabihin ko sa kanila, Kailanma'y hindi ko kayo nakilala. Lumayo kayo sa akin, mga mapaggawa ng masama.
Mateo 7:22-23
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Balanga
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
| Saturday | 8am - 5pm |
