Dane Navarrom Vlogs
Art
21/07/2025
Mabisa ang Panalangin! Sabay-sabay tayo mga kaliham na magdasal para sa tuluyang pagtila ng ulan! Amen! Keep safe po lalo na sa mga labis na apektado! π₯ΉπβοΈ
03/07/2025
Limang sako ng basura ang nakolekta ko dine sa Baywalk! Malungkot man dahil hindi ko pa rin magawan ng paraan na maging Zero na ang basurang nagkalat, pero hindi ako hihinto na labanan ang paglala nito! Lord, palakasin nyo pa ako at nawa hipuin nyo ang puso at isip ng mga taong patuloy na nagtatapon at walang disiplina! π₯ΉππΏ
08/06/2025
Akoβy taka talaga sa inyo. Diko alam kung madamot kayo o mahiyain! Picnic na naman sa likod ng talahiban, nag-iwan pa ng bakas kasasamlang! Maige sana kung ampao yan eh, matuwa pa ako sa inyo! π©π€π
06/05/2025
βKaliham, bakit nagpapakapagod ka dyan ehh hindi mo naman trabaho yan? Trabaho dapat yan ng mga nakaupo sa pwesto at may katungkulan!β
Madalas na tanong ito sa akin noon pa at ang sagot ko palagi ay, sa isang komunidad o bayan wag natin lahat iasa sa nakakasakop sa atin! Dahil para sa akin, lahat tayo ay obligado na kumilos at tumulong sa ating pamayanan. Kumbaga sa madali sabi, wala yan sa estado o posisyon ng isang tao bago gumawa ng magandang gawain. Saka itong ginagawa ko bilang isang simpleng mamamayan ay pangkalampag din sa mga literal na nakaupo laang sa pwesto! Kaya palaganapin natin lagi ang pagkakaisa, pagmamalasakitan at pagmamahalan! π₯°π
02/05/2025
Muli, may nakatanggap na naman ng Brand New Cellphone, bagong clog slippers, groceries at iba pang regalo! πππ
Itong proyektong naisip ko ay para talaga mapabilis ang pag-aayos ng Baywalk ng Laurel! At hindi ko akalaing susuportahan ng ibat ibang indibidwal. May nagpapadala ng cellphone, sapatos, tsinelas at iba pang kapakipakinabang na gamit! Malaking bagay sa mga volunteer at mga nasuporta Online na mabiyayaan sila! Masasabi kong proud ako sa project na ito dahil ang daming natutulungan, una ay ang kalikasan, turismo, komunidad at pananaw ng bawat isa! ππ
Mga Kaliham, kahit wala akong posisyon palawigin pa natin ang mga ganitong project na may kabuluhan talaga! π―
29/04/2025
Normal na ang mapagod! Ang hindi normal ay yung sukuan mo na lang basta ang pangarap at adhikain mo! Lalo na kung alam mong may magandang patutunguhan ito, ipaglaban mo! Kita ni Lord ang lahat ng paghihirap natin. Magugulat nalang tayo isang araw, sumakses na pala tayo! πππ
11/04/2025
Ito naman po ang mga Blessing na pwedeng matanggap ng limang mabubunot sa April 15 sa βPalabunutan ng mga Biyaya!β πππ
Unang Bunot :
Groceries + Miguel & Yurrelβs Vinegar
Pangalawang Bunot :
Groceries + Miguel & Yurrelβs Vinegar
Pangatlong Bunot :
Brand New Shoes + Mesh Short
Pang-apat na Bunot :
Brand New Shoes + Mesh Short
Pang-limang Bunot :
Brand New Cellphone + Miguel & Yurrelβs Vinegar
Goodluck and God bless sa lahat ng may entry na! Next Palabunutan po ay April 30! Sa mga wala pang entry may chance pa kayo mapasama at makahabol! Nasa baba ang mechanics. β¨ππ₯°
Ito ang dalawang mechanics na pwede nyong pagpilian :
1.) Community Service! (Unlimited Entry)
2.) 5 Day Task! (Ito ay para sa mga hindi makakapunta sa Baywalk - one time entry only)
18/03/2025
Mapapagod pero hindi papanget! Papawisan pero hindi aasim HAHAHAHAHA! Charottt langs mga Kaliham! π
π
π
Magandang Gabi, musta mga Kaliham ang maghapon nyo?! π₯°
15/03/2025
Palagi man akong pagod at inaabot ng gabi sa Baywalk para magdilig, naiibsan naman ang pagod ko dahil sa mga taong handang magmalasakit at naa appreciate ang ginagawa ko! π₯Ήπβ¨
Maraming salamat po sa Cmβs foodies & Drink dinalahan po ako sa baywalk ng mga pagkakasarap na pagkaen gaya ng Halo-halo, fries, burger at cheese stick! Located at Pob. 3 dito sa Laurel tapat ng Rusi Building. Sinsay kayo mga Kaliham masasarap ang food nila. Support natin! Nakakatuwa naikakalat pa natin ang kabutihan sa bawat isa! πππ
Pagpasensyahan nyo na itsura ko tubal na at maamos na! π
π
π
04/03/2025
02/03/2025
Panawagan po sa nakaiwan ng kumot na ito dine sa Baywalk. Atong na ehh, isang linggo na mahigit babalikan pa ga? Kung hindi na ay ibebenta ko na aree kay Boss Toyo dagdag pondo din HAHAHAHAHA!
25/02/2025
Handa akong magsakripisyo at pasanin ang bigat makita ko lang muli na manumbalik ang iyong ganda, Inang Kalikasan! Sabay tayong hihinga at magpapahinga! πππ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Tanauan
Batangas City
4221
