Ivan Ortiz
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ivan Ortiz, Cabiao.
31/08/2026
31/08/2026
Eto uh: Mahigit dalawang dekada na nagtago ang 46-anyos na suspect sa kasong murder sa Zamboanga City. Buong akala n'ya tuloy-tuloy na ang kaligayahan n'ya. Kaya't laking gulat ng suspect ng bulagain s'ya ng mga tauhan ni PRO3 director Brig. Gen. Jess Mendez
sa pinagtaguang bahay sa Sta. Rosa City, Laguna. Sinabi ni Mendez na ang akusado ay wanted sa kasong murder na nangyari noong 2003. Naglabas ng arrest warrant ang Zamboanga City RTC Branch 17 noong 2004 at buhat noon ay naglaho na s'ya sa Zamboanga City. Napasama s'ya sa national most wanted persons na may pabuya na P90,000 sa kanyang ulo. Ang suspect ay binasahan ng Miranda Rights bago ito ikulong sa RSOG3 custodial facility.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the business
Website
Address
Cabiao
