Fred Palmer PH
For Public advertising
23/05/2026
“Maniningil lang po ba tayo o naghahanda na maging finalist sa ‘Best Villain in a Text Message’ awards?” 😭
Reminder lang po: Kahit may utang ang isang tao, hindi nawawala ang kanyang karapatan laban sa harassment, pagbabanta, at pagmumura.
Sa sitwasyong ito, ang creditor ay maaaring lumabag sa ilang batas:
Article 287 ng Revised Penal Code – Unjust Vexation
Ang paulit-ulit na pang-aabala, harassment, at offensive messages na nagdudulot ng inis o distress ay maaaring pumasok dito.
Article 282 ng Revised Penal Code – Grave Threats
Kapag may pagbabanta ng pananakit o masamang gagawin laban sa tao, maaari itong maging grave threats kahit hindi pa natutupad ang banta.
Article 286 ng Revised Penal Code – Grave Coercion
Bawal pilitin ang isang tao gamit ang intimidation o threats para lamang magbayad.
Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012
Dahil text message o electronic communication ang ginamit, maaaring magkaroon ng cyber-related liability kapag ginamit ito sa harassment o threats.
SEC Memorandum Circular No. 18, Series of 2019
Mahigpit na ipinagbabawal ang abusive, unfair, at harassing debt collection practices gaya ng:
paggamit ng threatening or obscene language;
pananakot;
paulit-ulit na harassment;
paggamit ng insulting or humiliating messages
Hindi porket may utang, legal na ang pagmumura at pagbabanta.
Kung nakatanggap ng ganitong messages:
I-save ang screenshots at ebidensya;
Maaari magreklamo sa PNP, NBI Cybercrime Division, SEC, o magsampa ng criminal complaint depende sa sitwasyon. |
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
Caloocan
1400
