Sis Salve
Entrepreneur/Mom of 5 / Life Sharing / Live Selling Tips / Raw Daily Life Videos
Akala mo madali kasi video lang ang nakita mo. Pero ang hindi mo nakita, halos mawalan na ako ng hininga bago marating ang summit.
Ganito rin sa buhay at online selling. Nakikita ng iba ang resulta, pero hindi ang pagod, puyat, at mga laban na pinagdaanan.
Huwag susuko. Baka isang hakbang na lang, malapit ka na sa goal mo.
This is Sis, Salve. Hindi lang sa live selling, kundi sa life sharing.
Mt Daraitan Part 1
Every step paakyat may kapalit na pagod.
Pero every step forward mas lumalapit ka rin sa pangarap
Kaya huwag titigil
04/07/2026
Habang paakyat ka ng bundok hindi mo iniisip kung gaano pa kataas
Ang iniisip mo lang ay ang susunod na hakbang.
Ganun din sa buhay
Hindi mo kailangang makita agad ang finish line.
Just keep moving
Sis Salve
04/07/2026
Sa taas ng heart peak parang ang liit ng lahat sa baba.
Tahimik, pero ramdam mo kung gaano kalayo ang narating mo.
Minsan kailangan mo lang huminto sandali,tumingin sa paligid,at ipaalala sa sarili mo kaya mo pala.
Pero ang hindi nakikita ng iba ay kung gaano kahirap ang bawat hakbang bago ka makarating doon
Habang paakyat ako ng Mount Daraitan ilang beses akong nadulas hirap na hirap huminga at may mga sandaling gusto ko nang tumigil
Doon ko naalala ang journey namin sa Djis Shoppee
Maraming beses kaming nawalan ng page Na-scam Napagod Nagkamali At may mga pagkakataong gusto na rin naming sumuko
Pero hindi kami tumigil
Kasi ang purpose namin ay mas malaki kaysa sa mga pagsubok
Kung gusto mong marating ang summit ng pangarap mo hindi sapat ang lakas Kailangan tuloy tuloy ka kahit mahirap
Balang araw maiintindihan mo rin na sulit pala ang lahat ng pinagdaanan mo
This is Sis Salve
04/07/2026
Minsan kailangan mo talagang maranasan ang pinakamahirap na akyat para mas ma-appreciate mo ang pinakamagandang tanawin.
Habang paakyat ako ng Mount Daraitan, ilang beses kong naisip na huminto. Madilim, maputik, puro bato, at halos wala kang patag na daan. Bawat hakbang parang sinusubok kung hanggang saan ang kaya mo.
Pero nang marating ko ang summit, biglang nawala ang lahat ng pagod. Napalitan ng saya, fulfillment, at pasasalamat. Doon ko na-realize na lahat ng hirap ay may dahilan.
Ganyan din ang journey ko sa online selling. Ilang beses akong natalo. Nawalan ng page. Naloko. Maraming pagkakataon na gusto ko nang sumuko. Pero kung huminto ako noon, hindi ko mararating ang mga blessings na meron ako ngayon.
Success is not about having an easy journey. It's about choosing to keep going kahit sobrang hirap na.
Kung may pinagdadaanan ka ngayon, huwag kang susuko. Baka isang hakbang na lang, summit mo na.
This is Sis Salve Hindi lang sa live selling, kundi sa life sharing.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
757 Saint Martha St Joseph Avenue Brgy 186 Barracks 2 Tala Caloocan City
Caloocan
1427
