BHS Caloocan Korsocot

BHS Caloocan Korsocot

Share

Adolescent-friendly Health Facility Level 2
Community service
Health-focused
Gender Equality

CALOOCAN TEEN CENTER HAS BEEN CERTIFIED AS ADOLESCENT- FRIENDLY HEALTH FACILITY LEVEL 2

03/11/2025

🚨 OPONG NAG LANDFALL NA SA PILIPINAS; LUMIKAS SA MGA EVACUATION CENTER KUNG KINAKAILANGAN 🚨

β›ˆοΈ Ayon sa DOST-PAGASA, nag-landfall ang Severe Tropical Storm Opong sa Eastern Samar 11:30 ng gabi ng September 25. Magpapatuloy ito sa pagtahak sa Masbate, Sibuyan Sea, katimugang bahagi ng CALABARZON, at hilagang bahagi ng MIMAROPA bago tuluyang lumabas sa West Philippine Sea ngayong gabi o bukas ng umaga (27 Setyembre).

🏘️ Nasa 389 ang bilang ng evacuation center na nakahanda at ginagamit ng mga pamilyang lumikas dahil sa bagyo ayon sa report ng NDRMMC.

‼️ Sundin ang mga abiso ng inyong lokal na pamahalaan at agad lumikas kung kinakailangan. Siguraduhin ding manatiling ligtas at malusog habang nasa evacuation center, lalo na kung magtatagal ang pananatili rito.

βœ… Magsuot ng face mask at takpan ang bibig kapag babahing o uubo
βœ… Ugaliing maghugas ng kamay bago kumain at pagkatapos gumamit ng palikuran
βœ… Hangga't maaari, gumamit lamang ng personal na gamit
βœ… Uminom lamang ng malinis na tubig; gumamit ng chlorine tabs kapag hindi tiyak ang kalinisan ng inumin
βœ… Panatilihing malinis ang kapaligiran at sarili kapag may pagkakataon
βœ… Agad lumapit sa health worker kung may nararamdamang lagnat, ubo, sipon, o iba pang sintomas.

Sources:
PAGASA Tropical Cyclone Bulletin No. 15
NDRMMC Situational Report No. 17

03/11/2025

DOH: PANATILIHING MALINIS AT LIGTAS ANG EVACUATION CENTER

Sa kasalukuyan, pumalo na sa halos 95,000 katao ang lumikas sa mga evacuation center simula nang manalasa ang magkakasunod na bagyong Mirasol at Nando, kasama na ang Severe Tropical Storm Opong na kasalukuyang binabaybay ang Kabisayaan.

Babala ng DOH, ang maruming kapaligiran ay maaaring magdulot ng samu’t saring sakit gaya ng leptospirosis, dengue, at pagtatae; pinaaalalahanan ang publiko na panatilihing malinis ang paligid, lalo na kung nasa evacuation center.

πŸ‘‰ Para sa evacuees at mga namamahala ng evacuation centers, siguruhing sundin ang mga payong ito:

βœ”οΈ Magtapon ng basura sa tamang lalagyan
βœ”οΈ Ihiwalay ang nabubulok at di-nabubulok na basura
βœ”οΈ Gumamit ng sariling reusable na kubyertos hanggat maaari
βœ”οΈIpagbigay-alam kung puno na ang basurahan o kaya’y ilagay ito sa tamang lugar

πŸ’‘ Tandaan: Ang mahigpit na pagpapatupad ng kalinisan ay proteksyon laban sa sakit at proteksyon ng buong komunidad.

Source: DSWD DROMIC Report No. 18 (as of 6AM, 9/26/25), PAGASA Tropical Cyclone Bulletin No. 16 (as of 8AM, 9/26/25)

03/11/2025
03/11/2025

πŒπ€π†πˆππ† 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 ππŽπ’πˆππ‹π„ππ† π€π…π“π„π‘π’π‡πŽπ‚πŠπ’ πŒπ”π‹π€ 𝐒𝐀
π‹πˆππƒπŽπ‹ β€Ό

Isang magnitude 7.6 na lindol ang yumanig sa Davao Oriental at mga karatig nitong probinsya pasado 9am. Nagbabala ang PHIVOLCS ng posibilidad ng mga aftershock na maaaring magdulot ng karagdagang pinsala sa mga gusali at kabahayan.
Paalala ng DOH: Maging alerto at mag-ingat mula sa aftershocks at tsunami dulot ng lindol.

πŒπ†π€ 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓 π†π€π–πˆπ 𝐏𝐀𝐑𝐀 π‹πˆπ†π“π€π’ 𝐒𝐀 π€π…π“π„π‘π’π‡πŽπ‚πŠπ’:

βœ… Gamitin ang first aid kit kapag may sugat sa katawan at humingi ng tulong kapag kailangan ng atensyon medikal.

βœ… Suriin ang bahay para sa anumang sira at bitak. Tignan kung may tagas ang gas tank at isara agad ang main switch.

βœ… Iwasan ang mga gusaling may bitak, nakalaylay na kuryente, lupang maaaring gumuho, at dalampasigan

βœ… Ihanda ang Go Bag kung sakaling kailangan lumikas.

βœ… Bantayan ang abiso ng lokal na pamahalaan.

03/11/2025

πŸŽ’πˆπ‡π€ππƒπ€ 𝐀𝐍𝐆 π†πŽ 𝐁𝐀𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ€ππˆπ‹πˆπ’ 𝐍𝐀 ππ€π†π‹πˆπŠπ€π’ π’π€πŠπ€π‹πˆππ† πŒπ€π†πŠπ€π‘πŽπŽπ 𝐍𝐆 π“π’π”ππ€πŒπˆπŸŽ’

Matapos ang magnitude 7.5 na lindol na yumanig sa Davao Oriental at mga karatig nitong probinsya kaninang 9am, nagtaas ng tsunami warning ang PHIVOLCS sa mga probinsya ng: Eastern Samar, Southern Leyte, Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental.

❗️Paalala ng DOH, ihanda na agad ang Emergency GO BAG sakaling kailangang lumikas dahil sa posibleng tsunami sa iyong lugar.❗️

βœ… Gamitin ang larawan bilang gabay sa pagkumpleto ng mga importanteng gamit na laman ng inyong Emergency GO Bag.
Sa panahon ng sakuna, maaaring tumawag sa:

🚨 Emergency Hotline 911
πŸ“ž DOH Hotline 1555, press 3

03/11/2025

🧼 Ang Oktubre 15 ay 𝐆π₯π¨π›πšπ₯ π‡πšπ§ππ°πšπ¬π‘π’π§π  πƒπšπ²!πŸ’§

Sa dami ng ating hinahawakan araw-araw, hindi natin alam kung saan nagtatago ang mikrobyo. Kaya’t ugaliing maghugas ng kamay.

Simpleng hakbang lang, pero malaking proteksyon laban sa sakit. Sa bawat paghuhugas ng kamay, pinapangalagaan mo hindi lang ang sarili mo, kundi pati ang kalusugan ng buong pamilya.

Para sa Isang Healthy SOCCSKSARGEN Region πŸ’š

Photos from Healthy Soccsksargen's post 03/11/2025
03/11/2025

‼️”TRANGKASO BYE-BYE!” CAMPAIGN KONTRA FLU, INILUNSAD NG DOH‼️

Maghugas ng Kamay, Trangkaso Bye-Bye!
Magpahinga sa Bahay, Trangkaso Bye-Bye!
Kumain ng Prutas at Gulay, Trangkaso Bye-Bye!β€”ito ang mensahe ng DOH sa kampanya nitong β€œTrangkaso Bye-Bye” na inilunsad bilang bahagi ng tamang edukasyon sa pag-iwas sa trangkaso o flu.

Nauna nang inihayag ng DOH na bagamat walang outbreak, nasa flu-season pa rin ang bansa mula sa panahon ng tag-ulan nitong Hunyo hanggang sa kasalukuyang pagpapalit ng monsoon season papuntang Amihan.

Batay sa latest surveillance ng DOH, nakapagtala ng 6,457 kaso ng Influenza-Like Illness (ILI) mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 11, 2025, na 25% mas mababa kumpara sa 8,628 kaso sa kaparehong panahon noong 2024.

Ang ILI ay isang matinding impeksyon sa paghinga na dulot ng mga virus tulad ng Influenza A at B, Respiratory Syncytial Virus (RSV), at Rhinovirus.

Sentro sa kampanyang Trankaso Bye-Bye! ang mga simpleng gawain para makaiwas sa pagkakasakit.

03/11/2025

Ngayong buwan ng Oktubre, ating ipagdiwang ang 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐬𝐭 π‚πšπ§πœπžπ« π€π°πšπ«πžπ§πžπ¬π¬ 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐑 πŸ’—πŸŽ€

Ang maagang pagkilala sa mga sintomas ng breast cancer ay mahalagang hakbang upang maagapan ito. Huwag balewalain ang anumang pagbabago sa dibdib. Magsagawa ng regular breast self-examination at magpa-screening sa pinakamalapit na health facility. 🌸

🩺 I-scan ang QR code o pumunta sa linktr.ee/DOHCancerSupport para malaman ang mga breast cancer services ng Philhealth Z-Benefits, PWD ID, CAF Access Sites, at CSPMAP Access Sites.

Sama-sama nating itaas ang kamalayan, palakasin ang suporta, at lumaban laban sa breast cancer! πŸ’ͺPara sa isang Healthy SOCCSKSARGEN Region πŸ’š

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Koronadal?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Purok Maligaya
Koronadal
9506

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm