Styled By Mharlon
▪️Hair Consultation
▪️Hair Coloring | Smoothing Services
▪️Hair Treatments And So Many More
▪️Request an Appointment!
📲09072943879
31/07/2026
Hair goals start with the right knowledge.✨
Here are some of the most common questions I get from clients—answered in a simple way.
Swipe through and save this post for future reference!
Ready for your next hair transformation? 💇🏻♀️ August Promo is now available!
Limited slots only,
so send me a message and
book your appointment today!
Friendly reminder:Every hair has different needs, so a proper hair consultation is always the best way to know what's right for your hair.
30/07/2026
Please take note and save this page for future inquiries and appointments.
Due to issues with my personal Facebook account, Styled by Mharlon will now serve as my official and primary account for all inquiries, bookings, appointments, updates, and transactions.
Hindi na po ako gagawa ng bagong personal Facebook account nakakapagod na meta! 😢🤣
For any concerns, appointments, or hair service inquiries, please send a message directly to this page.
Thank you for your understanding.
Maraming salamat.
– Mharlon
29/07/2026
✨ Hindi lahat ng kulot, buhaghag, at damaged na buhok kailangan ng rebond.
What if your hair doesn't need straightening...
What if it simply needs revival?💛
Introducing the Wyres Hair Revival Package a premium hair recovery treatment designed to help restore softness, shine, moisture, and manageability to dry, frizzy, chemically treated, and damaged hair.
🚫 Not a Rebond
🚫 Not a Relaxer
✨ Just healthier, smoother, and more beautiful-looking hair.
With the power of Wyres Professional Products your hair can look smoother, feel softer, and become more manageable without undergoing another rebonding service.
Because sometimes what your hair needs isn't more chemicals it's proper care, nourishment, and recovery.
📩 Message the page for consultation and appointment booking.
**HairByMharlon**
*Your Hair, My Passion.* 💛✨
28/07/2026
✨ AUGUST COMEBACK APPRECIATION✨
I'm back behind the chair and I'm celebrating it with a special offer!🤎
To thank everyone who continues to support and trust my work, I'm opening 10 exclusive reservation slots this August.
🔥1,499 PER PERSON
✅ Choose up to 3 Hair Services
✅ Minimum of 2 Clients per Booking
❌ Excluding Loreal & Wyres Services
Perfect for:
👭 Friends
👯 Sisters
👩👧 Mother & Daughter
💼 Workmates
✨ Limited Slots
✨ Quality Products
✨ Professional Service
✨ Special Comeback Pricing
📩 Reserve your slot now.
⚠️ Only 10 slots available. Once all slots are filled, other promo packages and discounted rates will still be available throughout August.
Thank you for being part of my comeback journey. See you behind the chair this August. 🤎
Check the latest promo in comment section.
For months, nanahimik ako.
Marami ang nagtatanong kung nasaan na ako, kung bakit ako nawala, at kung ano ang nangyari.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano sisimulan ito.
Maraming nangyari sa loob ng ilang buwan.
May mga plano na hindi natuloy.
May mga pangarap na pansamantalang nahinto.
May mga bagay na kinailangan kong tanggapin, ayusin, at pagdaanan.
At oo, dumating din ako sa puntong napagod.
Sa puntong napaisip ako kung ano ba talaga ang susunod kong gagawin.
Pero habang tahimik ako, may isang bagay na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.
Ang dahilan kung bakit ako nagsimula.
At hindi iyon salon.
Hindi negosyo.
Hindi social media.
Kundi ang pagmamahal ko sa ginagawa ko.
Naalala ko noong nagsisimula pa lang ako sa hair industry.
Marami sa inyo ang nakasama ko sa journey na iyon.
Nakita ninyo kung paano ako natuto.
Kung paano ako nagkamali.
Kung paano ako nag-improve.
Kung paano ako nangarap.
At kung paano ko minahal ang trabahong ito.
At sa totoo lang, mas lalo ko kayong na-appreciate nitong mga nakaraang buwan.
Nawala ang Facebook ko.
Tahimik ako online.
Pero may mga naghanap pa rin.
May mga nag-message sa Instagram.
May mga naghanap sa TikTok.
May mga nagtanong sa mga kakilala.
At may mga mensaheng hanggang ngayon hindi ko makalimutan.
"Mharlon, nasaan ka na?"
"Ba't wala ka nang Facebook?"
"Ayoko magpagawa sa iba."
"Ikaw pa rin ang gusto kong gumawa ng buhok ko."
Hindi ninyo alam kung gaano kalaking bagay ang mga simpleng mensaheng iyon.
Dahil sa panahon na ako mismo ang nagdududa sa sarili ko, may mga taong nagpapaalala sa akin kung bakit hindi ako dapat sumuko.
Sa totoo lang, akala ko noon ang success sa hair industry ay tungkol sa pagkakaroon ng salon.
Akala ko noon kapag may sarili kang pwesto, kapag may negosyo ka, doon mo masasabi na successful ka na.
Pero habang tumatagal, may mas mahalaga pala akong natutunan.
Ang success ay hindi lang nasusukat sa salon.
Hindi lang sa negosyo.
Hindi lang sa dami ng followers.
Minsan, ang success ay yung may mga taong nagtitiwala pa rin sa'yo kahit matagal kang nawala.
Yung may mga taong naghahanap sa'yo.
Yung may mga taong bumabalik dahil ikaw ang gusto nila.
At para sa akin, napakalaking bagay noon.
Hindi naman ako failed bilang hairstylist.
Siguro sa ilang business decisions, pwede pa. 😅
Pero hindi bilang hairstylist.
Dahil hanggang ngayon, wala pa ring tatalo sa pakiramdam na makita ang isang client na masaya pagkatapos ng service.
Yung ngiti nila pagkatapos tumingin sa salamin.
Yung confidence na bumabalik sa kanila.
Yung simpleng "Thank you, Mharlon."
Para sa iba, simpleng bagay lang iyon.
Pero para sa akin, iyon ang pinakamagandang parte ng trabaho ko.
Kapag masaya kayo, masaya rin ako.
Simple lang.
At siguro iyon ang dahilan kung bakit hindi ko kayang talikuran ang industriyang ito.
Hindi ko rin ito ibinabahagi para magmukhang bida dahil may mga taong naghahanap sa akin.
Mas nagpapasalamat ako kaysa nagmamalaki.
Dahil ipinakita ninyo sa akin na may halaga pa rin ang sipag, magandang serbisyo, at pagmamahal sa trabaho.
At para sa mga kapwa ko hairstylists at sa lahat ng taong may pinagdaraanan ngayon—
Patuloy lang.
May mga chapter na mahirap.
May mga chapter na hindi naaayon sa plano.
Pero hindi ibig sabihin noon na tapos na ang kwento.
Hindi pa.
Hindi pa para sa akin.
At hindi pa rin para sa marami sa atin.
Hindi ko alam kung ano pa ang eksaktong plano ng Diyos para sa buhay ko.
Hindi ko alam kung saan Niya ako dadalhin sa mga susunod na taon.
Pero isang bagay ang alam ko.
Kung may pangarap mang inilagay ang Diyos sa puso ko, hindi ko ito basta-bastang bibitawan.
Marami pa akong gustong matutunan.
Marami pa akong gustong maabot.
Marami pa akong gustong clients na mapasaya.
At naniniwala akong ang pinakamagandang chapter ng buhay natin ay hindi palaging nasa simula.
Minsan, nagsisimula ito pagkatapos mong piliing bumangon muli.
Lord, maraming salamat.
Sa bawat lesson.
Sa bawat blessing.
Sa bawat taong ipinadala Mo sa buhay ko.
At sa bawat pagkakataong pinaalala Mo sa akin kung bakit ako nagsimula.
This is not the end.
This is the final comeback.
See you again clients im back at online world.
12/06/2026
Hi everyone! 👋
My main account is currently disabled by Meta. For the meantime, please use this account for all inquiries, bookings, and appointments. 📩
While waiting for my main facebook account to be restored, feel free to message me here regarding hair services, consultations, and schedules.
You may also visit and follow:
✨ Styled by Mharlon
✨ Mharlon Roque (New Facebook Account)
✨Hair By Mharlon (Instagram)
✨ HairworksByMharlon (Tiktok Account)
Thank you for your continued support and trust. I look forward to helping you achieve your dream hair! 🤎
— Mharlon
Official Temporary Account
21/05/2026
Book your hairtransformation with us! Thankyou so much po!
16/05/2026
Book your hairtransformation with us!
13/02/2026
* Less is more
Clean brown hair color + silky straight finish = effortless
beauty.
Hindi kailangan ng sobra, basta healthy, smooth, at makintab
Experience premium hair care only here at Touch by Mharlon
Salon
Message us now to reserve your slot!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the business
Telephone
Website
Address
Pilar
2101
