PatHub

PatHub

Share

Working for my dreams, one order at a time. SALES AMBASSADOR

05/06/2026

Minsan, para mag-level up sa buhay, kailangan mong iwan ang lugar kung saan ka komportable. Kagaya ko, isang araw nagdesisyon akong umalis sa probinsya at sumubok sa lugar na hindi ko kinalakihan. Nakakatakot. Maraming beses akong nagduda sa sarili ko at maraming sakripisyo ang kinailangan. Pero doon ko narealize na hindi pala tayo lalago kung palagi tayong nasa pamilyar na lugar. Doon ko nakilala ang iba’t ibang tao, natuto sa iba’t ibang karanasan, at unti-unting tumibay ang loob ko. Hanggang sa paunti-unti, nagsimula kong makuha ang mga bagay na dati pangarap ko lang. Kaya minsan, ang matapang na desisyon ang simula ng bagong bersyon ng sarili mo.

03/06/2026

May mga panahon na pakiramdam mo nahuhuli ka na. Habang yung iba may negosyo na, may bahay na, may sasakyan na, o alam na kung saan papunta ang buhay nila. Pero habang tumatanda ako, mas naiintindihan ko na hindi pala karera ang buhay. May mga bagay na kailangang matutunan muna bago ibigay ang susunod na biyaya. Kaya kung pakiramdam mo mabagal ang takbo mo ngayon, baka hindi ka nahuhuli. Baka hinahanda ka lang para sa tamang panahon mo.

31/05/2026

Habang tumatanda tayo, unti-unting nagbabago ang mga bagay na nagpapasaya sa atin.

Dati, excited tayo sa gala, sa bagong gamit, o sa kung ano-anong luho. Pero darating talaga sa punto na ang pinaka-hinahanap mo na ay simpleng tawanan, kwentuhan, at oras kasama ang pamilya.

Because at the end of the day, the moments we spend with the people we love become the memories we treasure the most.

Kailan ang huling family bonding ninyo?

25/05/2026

Ang hirap minsan paniwalaan na may patutunguhan lahat ng pagod mo. Pero habang tuloy ka lang, habang hindi ka sumusuko, unti-unti mo palang binubuo yung buhay na dati mo lang hinihiling sa tahimik na gabi. One day, magugulat ka na lang… nasa pangarap mo ka na pala.

23/05/2026

Unsaid thoughts.💭

23/05/2026

Always a battle☝🏻

21/05/2026

People will always remember your mistakes louder than your progress. There were days I questioned myself too, but I realized growth doesn’t happen by listening to negativity it happens when you keep going even when nobody notices your improvement.

Motivate yourself. Your future will thank you for not giving up.
Keep pushing, no matter who doubts you.

19/05/2026

Para sa mga lalaking piniling mag-isa para ayusin ang buhay.

Hindi ka bitter.
Hindi ka suplado.
May inuuna ka lang.

Pinili mong hindi muna makipag-date.
Hindi muna magpaka-busy sa relasyon.
Hindi muna magpaka-available.

Kasi alam mo sa sarili mo na
kung papasok ka ngayon,
magdadala ka lang ng stress, hindi stability.

Mas mahirap ’to kaysa mukhang simple.
May lungkot.
May tukso.
May mga gabing mapapaisip ka kung tama ba ’to.

Pero mas pinili mo ang long-term
kesa sa short-term comfort.

Hindi lahat kayang gawin ’yan.

Karamihan gusto may kasama
kahit magulo ang buhay.
Ikaw, pinili mong ayusin muna.

At ’yan ang hindi nila nakikita:
ang disiplina mo tahimik, pero mabigat.

Para sayo ba…

Mas tama bang piliin muna ang pag-ayos ng sarili kahit mag-isa,
o sayang ang oras kapag wala kang kasabay sa buhay?

ctto_

18/05/2026

Wag mong isipin yung hirap☝🏻

17/05/2026

Its never too late…

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Scout Borromeo St. Quezon Avenue
Quezon City