lotskie
🇵đź‡
24/08/2026
Buhay Inialay, Tungkulin Tinupad: Pulis Nasawi sa Armed Confrontation
Isang police officer at dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na pagbebenta ng baril ang nasawi matapos ang isang armadong engkuwentro sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Malipayon, Barangay Dao, Pagadian City, madaling-araw ng Linggo, Agosto 23.
Kinilala ang nasawing pulis na si PMAJ Aiman Khuzaimah P. Pantaran, 35-anyos, intelligence officer ng Pagadian City Police Station. Kinilala naman ang dalawang suspek na sina Jhonny Bravo Gomez at Jerry Bravo Gomez.
Ayon sa pulisya, umano’y nagpaputok ang mga suspek nang mapagtanto nilang ang kanilang kausap ay mga law enforcer, na nagresulta sa isang palitan ng putok.
Isinugod si PMAJ Pantaran sa Mendero Medical Center ngunit idineklarang wala nang buhay bandang 12:50 ng madaling-araw. Nasawi rin ang dalawang suspek dahil sa mga tama ng bala.
Isang buhay na inialay sa sinumpaang tungkulin—isang sakripisyong hindi malilimutan
23/08/2026
PULIS NAPUTULAN NG KALIWANG KAMAY TINAGA NG NAG-AMOK
Naputulan ng kaliwang kamay ang isang pulis matapos tagain ng nag-aamok na lalaki sa San Jose, Camarines Sur, Sabado ng hapon.
Agad namang naaresto ang suspek. Ligtas at nasa ospital ang parehong biktima at suspek.
Inihahanda na ang kasong direct assault sa suspek na, ayon sa San Jose Police, ay nakararanas ng matinding depresyon.
Lord, salamat po palagi❤️🙌🙏
゚viralシ
20/02/2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Qc
Quezon City
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when lotskie posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.
