OpNanx

OpNanx

Share

please like share and follow my page thankyou everyone�

05/04/2026

“tanda ko pa lahat kung paano ako nagmakaawa sa langit na pagalingin ka”

nagmakaawa ako sa taas na huwag ka muna nya kunin samin,
umiyak ako nang malakas, humiling at nagdasal

gayon pa man, hindi yun natupad.
nawala ka pa rin samin, kinuha ka kahit ayaw pa namin

at alam kong ayaw mo rin, tanda ko pa yung mahigpit mong kapit at sabay sabing… “wag kayo mag-aalala uuwi pa tayo, ako’y gagaling”

at ang bigat-bigat mga dasal kong napangyari ay kabaliktaran lahat
nawala ka, hindi ko yun matanggap

-nawalan ako ng mahal sa buhay, kaibigan at masasandalan

05/04/2026

Ang pinakamahirap bayarang utang ay utang na loob.

Dahil hindi ito nababayaran, kusang ibinibigay, walang kapalit, walang kasiguraduhan na maibabalik.

At doon ito lalong bumibigat.

Hindi mo alam kung saan magsisimula, kung paano tutumbasan ‘yung pabor na ibinigay sa iyo noong wala ka pang maibigay.

Kahit anong gawin mo, parang may kulang pa rin, parang hindi sapat ang “salamat” para palipasin.

Kaya minsan, hindi mo na alam kung tatanggap ka pa, o iiwas na lang para hindi na magkaroon ng pabor.

Dahil ang totoo, ang utang na loob hindi dapat pinapasan nang may takot, dapat binibigay nang walang sumbat, at tinatanggap nang walang pangamba.

05/04/2026

Balang-araw makakaraos din sa buhay na kapos

alam kong hindi laging ganito, kapos o nasa zero
makakaalis din ako sa buhay na survival mode

sisikapin kong mapunta sa sitwasyong hindi ko na laging aalalahanin pa ang kakainin o araw ng bukas

makakaalis din ako sa pangungutang at pagkabaon
makakaraos din at ako at makakaahon

mula sa kahirapan, mula sa buhay na di ko naman pinangarap. ang maging mahirap

onting tiis pa self, gaganda rin ang buhay mo. pinapangako ko yan sa sarili ko

05/04/2026

At hangga’t gipit, hindi muna ako iibig.

Hindi dahil ayaw ko, kung hindi dahil alam kong hindi pa ito ang tamang panahon para hatiin ang sarili ko.

May mga pangarap pa akong kailangan unahin, mga laban na ako lang muna ang dapat humarap.

Ayokong magmahal na puro “pasensya” ang maibibigay, na kulang sa oras, kulang sa atensyon, kulang sa sarili.

Dahil ang pag-ibig, hindi dapat dinadagdag sa isang buhay na hirap na hirap na, dapat pinipili ito sa sandaling nakatatayo ka na sa sarili mong mga paa.

Kaya sa ngayon, sarili ko muna.

At kapag dumating ang araw na hindi na ako gipit, hindi lang pagmamahal ang mapaparamdam ko, kung hindi isang taong handa nang manatili nang hindi iniisip kung may maibibigay ba ako.

05/04/2026

Bawal akong sumuko, sarili ko lang back-up ko

mahirap pala yung ganito, sukong-suko ka na pero hindi pwede
wala kang maasahain kundi ang ‘yong sarili
walang masandalan, walang mapagsabihan

kaya heto tiis-tiis, sarili lang ang back up at sarili din ang sasalo sa huli
kailangan galingan, sipagan at husayan pero ayos na rin ‘to walang sumbat na maaaring marinig sa kahit na sino

-proud ako sayo self, sarili mo lang back up mo

15/02/2026

maangas nga �

31/01/2026

nagsasalsa ka d**g hahaha

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in San Fabian?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Rivo's Store
San Fabian
3244