Therapeutic Massage and Wellness by Mhay
Helping people heal their body
09/03/2026
Napapansin mo ba na lagi kang may ngalay o sakit sa balikat?
Minsan akala natin normal lang dahil pagod sa trabaho, pero may mga dahilan kung bakit paulit-ulit itong bumabalik.
Ito ang ilan sa mga karaniwang dahilan ng shoulder pain:
❌ Maling posture habang nagce-cellphone
❌ Matagal na pag upo sa trabaho
❌ Stress at muscle tension
❌ Overuse ng shoulder muscles
❌ Naninigas na muscles dahil kulang sa movement
Kapag pinabayaan, pwedeng magdulot ito ng:
⚠️ matinding ngalay
⚠️ paninigas ng likod
⚠️ limitadong galaw ng balikat
Pero may mga paraan para maibsan ito:
✅ Simple shoulder stretching
✅ Tamang posture
✅ Pagpaparelax ng muscles
✅ Therapeutic Hilot Therapy
Ang hilot ay tumutulong sa:
✔ pagpapaluwag ng naninigas na muscles
✔ pag improve ng blood circulation
✔ pag relieve ng muscle tension
✔ pagbawas ng sakit sa balikat at likod
💆♂️ Kung matagal mo nang nararamdaman ang sakit sa balikat, huwag na itong balewalain.
📍 Therapeutic Massage and Wellness by Mhay
Alagaan ang katawan bago pa lumala ang pananakit.
09/03/2026
Bakit Nilalagnat Minsan Pagkatapos Magpahilot?
May ilang tao na nakakaranas ng lagnat o parang flu-like feeling pagkatapos ng massage o hilot, at may ilang posibleng dahilan kung bakit nangyayari ito.
1.Body Detox Response
Kapag na-massage ang muscles, mas bumibilis ang circulation ng dugo at lymphatic flow. Dahil dito, ang mga naipong waste products sa muscles ay gumagalaw sa katawan at minsan nagkakaroon ng temporary immune response kaya parang nilalagnat.
2. Muscle Inflammation
Kung ang muscle ay matagal na may spasm o tension, kapag na-release ito sa massage maaaring magkaroon ng mild inflammation habang nag-aadjust ang katawan.
3.Pagod ang Katawan
Kapag pagod, puyat, o mahina ang immune system ng client bago magpa-hilot, posible na magreact ang katawan pagkatapos ng session.
4. Dehydration
Kapag kulang sa tubig, mas nararamdaman ang body soreness at flu-like symptoms pagkatapos ng massage.
Normal lang ito sa ilang tao at kadalasan nawawala rin pagkatapos magpahinga.
Tips pagkatapos magpahilod:
✅uminom ng maraming tubig
✅ magpahinga muna
✅ iwas muna sa mabigat na activity
✅ maligo ng maligamgam na tubig
⚠️ Pero kung mataas ang lagnat o tumagal ng higit sa 1–2 araw, mas mabuting magpatingin na sa doctor.
Ctto
pag therapist ka kahit pagod na pag may client go uli
Hindi mo kailangan maging perpekto,
kailangan mo lang maging totoo sa ginagawa mo
17/02/2026
“Bigla nalang sumakit, wala naman akong binuhat.”
Pero ang totoo — hindi siya biglaan. Naiipon siya.
Ang sciatica kadalasan galing sa paulit-ulit na maliit na pressure sa nerve araw-araw.
Mga dahilan
1. Matagal na pag-upo
Hindi ka napagod — pero naiipit ang nerve sa balakang.
2. Iisang pwesto sa pagtulog
Buong gabi naka-compress ang likod.
3. Kulang sa galaw ang hips
Kapag matigas ang balakang, likod ang napipilit.
4. Biglang galaw sa umaga
Hindi pa gising ang muscle, pinilit agad.
5. Pagod + stress
Nagti-tighten ang muscle kahit wala kang ginagawa.
Paano iwasan?
• gumalaw sa araw-araw kahit light lang
• wag laging isang pwesto
• warm up bago buhat
• alagaan ang balakang, hindi lang likod
Sciatica hindi aksidente — resulta siya ng naipong pressure
Ventosa / Cupping: Bakit may bilog at parang pasa?
May nagtaraka kapag nagpa-ventosa at nakita ang mga bilog na marka sa likod.
Akala ng iba pasa
Eto ang totoo…
Ano ba ang Ventosa o Cupping ?
Ang ventosa ay isang therapy technique na gumagamit ng suction para:
✅Paluwagin ang masikip na muscle
✅Paigtingin ang blood flow
✅Tulungan ang katawan sa natural healing process
Bakit may bilog na marka?
Ang bilog na marka ay:
✅Resulta ng stagnant blood at tension sa ilalim ng balat
✅Indikasyon kung gaano ka-tight o ka-stressed ang muscle area
Hindi ito pasa na galing sa impact.
Ito ay reaksyon ng katawan sa suction.
Ibig sabihin ba masama kapag maitim ang marka?
Hindi agad
Ang kulay ay pwedeng:
✅Light pink – mild tension
✅Red to purple – moderate to severe tightness
✅Dark marks – matagal na stress o poor circulation
📌 Mas dark ≠ mas masama
📌 Ibig sabihin lang, mas kailangan ng recovery.
Masakit ba ang ventosa?
Depende sa:
• Sensitivity ng client
• Tindi ng muscle tightness
• Lakas ng suction
Kadalasan:
• May discomfort sa umpisa
• Pero gumagaan ang pakiramdam after
Gaano katagal nawawala ang marka?
Karaniwan:
• 3–7 days
• Mas mabilis kung:
• Maayos ang hydration
• May sapat na pahinga
• Tamang aftercare
Para kanino ang ventosa?
✅ Muscle tightness
✅ Back & shoulder pain
✅ Stress-related tension
✅ Overworked muscles
❌ Hindi recommended sa:
• May bleeding disorders
• Very fragile skin
• Certain medical conditions (kailangang i-assess muna)
Important reminder
📌 Ang ventosa ay hindi magic.
Isa lang ito sa tools ng therapy
Bottom line
👉 Hindi lahat ng bilog ay pasa
👉 Hindi lahat ng p**a ay masama
👉 Ang mahalaga ay tamang paggamit at tamang therapist
Kung may tanong, huwag matakot magtanong sa therapist mo.
Education is part of healing.
Real pain relief starts with how you live daily.
Pagod man paggising,
may mga katawan na aayusin,
at mga sakit na tutulungan gumaan.
Happy Saturday ☀️😊
Buhay Therapist.
Hindi lang lakas ang puhunan
tamang hagod, malasakit, at puso sa pagpapagaling.
07/10/2024
Tired and stress?
07/10/2024
Accept Advance Booking
Offer Hilot / Massage
For Muscle Pain/ Muscle Spasm... Masakit na likod, Balakang...Pagod, Stress...
Tumatanggap ng Home Service (Everyday)
4 pm onwards...
TRY IS A KEY
PM me📩 to reserve your slot👈
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Santa Rosa
Opening Hours
| Monday | 5pm - 11pm |
| Sunday | 5pm - 11pm |
