Home Shopping

Home Shopping

Share

online shopping that offers clothing,food,artworks and services...

Photos from The Kindness Station's post 04/04/2020
02/10/2019

Kasanggayahan 2019 Day 1

24/09/2019
12/09/2019

Warning sa mga abusadong tricycle drivers.

07/09/2019
04/09/2019

Umarangkada na ang pag City-wide Tricycle Franchise Inventory, matapos na hikayatin ng Sangguniang Panlungsod ang kooperasyon ng mga tricycle operators at mga tricycle associations sa buong lungsod. Buo naman ang suportang ibinigay ng mga drayber at operators sa nasabing programa sa kadahilanang nais din nilang masolusyunan ang matagal nang suliranin sa mga kolorum at iba pang kahalintulad na problema.

Isa rin sa benepisyo ng nasabing imbentaryo ay ang malaman ng pamahalaang syudad ang aktwal at pisikal na bilang ng mga prangkisang naisyu na ng Sangguniang Panlungsod.
Naging sistematiko at maayos naman ang proseso ng programa na sa una'y nagkaroon ng agam agam ang karamihan sa kadahilanang makakabawas sa oras ng kanilang pagpasada ang oras na kanilang igugugol sa pagpapalista.

Sa ngayon ay tuloy tuloy pa rin ang pag iimbentaryo ng mga traysikel sa lungsod mula nang ito’y simulan noong nakaraang Setyembre 2, 2019. Inaasahang matatapos ito sa ika-12 ng Setyembre 2019 at patuloy paring hinihikayat ang patuloy na kooperasyon mula sa sektor ng transportasyon.

Antabayanan ang iba pang update patungkol sa City-wide Tricycle Franchise Inventory ng Sorsogon City.

02/09/2019

Kasabay ng implementasyon ng Barangay Development Program sa 64 barangay sa Sorsogon City ngayong Setyembre, makakatanggap ng tig-iisang milyong halaga ng pondo ang animnapu't dalawang barangay maliban sa Brgy. Bibincahan at Brgy. Pangpang na pagkakalooban ng tig dalawa't kalahating milyong pondo, ito'y dahil sa laki at lawak ng kanilang sakop.

Ang pondong ibibigay sa mga barangay ay mula sa pondo ng General Services Brgy. Development Program ng 2019 - 20% Development Fund ng syudad. Layunin ng nasabing programa na tulungan ang mga barangay sa pag sasakatuparan ng kanilang mga proyekto na magiging kapaki pakinabang sa mga konstituente.

Sa resolusyong inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod, papasok sa isang memorandum of agreement si Mayor Ester Hamor at ang mga punong barangay. Napapaloob sa MOA kung papano gagamitin ang pondo at kung anong mga proyekto ang maaaring pag gamitan. Malaki ang maitutulong ng pondong matatanggap ng bawat barangay sa pag papaunlad ng kanilang nasasakupan.

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Sorsogon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Sorsogon City
Sorsogon
4701