Luigi Dominguez

Luigi Dominguez

Share

“Sa maliit man o malaking bagay, may magagawa tayong lahat para sa bayan.”

06/07/2026

Ano nga ba ang trabaho ng inyong kabarangay na si Luigi?

Magandang umaga po, marami nagtatanong po ano daw po ba ang ating propesyon ako po ay isang Licensed Medical Representative na nagsisilbi sa larangan ng pangangalagang pangkalusugan na nagproprovide ng mga dekalidad na gamot.

Mula 2018 hanggang 2023, naging bahagi po ako ng Tamang Alaga Group of Companies, kung saan naglingkod ako sa:

* Pharex Health Corporation
* RiteMED Philippines, Inc.

Noong 2024, naging bahagi naman po ako ng Zydus Healthcare Philippines, Inc., isang multinational pharmaceutical company, at dito pa rin po ako nagtatrabaho hanggang sa kasalukuyan.

Sa aking propesyon, araw-araw po akong nakikipagtulungan sa mga doktor at healthcare professionals upang makatulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng ating mga kababayan.

Naniniwala po ako na ang sipag, integridad, at malasakit na aking natutunan sa aking trabaho ay siya ring mga pagpapahalagang nais kong dalhin sa paglilingkod sa ating barangay.

Dahil ang tunay na serbisyo ay hindi lamang sa opisina o trabaho, ito ay para sa kapakanan ng bawat mamamayan at mahalaga para sakin na ang isang lingkod bayan ay may matibay na pondasyon ng hanap buhay.

06/07/2026

Saan nga po ba nag-aral ang inyong kabarangay na si Luigi?

Wala pong iba kundi dito mismo sa ating minamahal na Barangay Marulas.

Nagtapos po ako ng elementarya sa Marulas Central School at ng high school sa Valenzuela National High School.

At alam po ba ninyo na naging Iskolar ako ng Bayan? Dahil sa tulong ng inyong mga buwis, nakapag-aral po ako sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela, kung saan nagtapos ako ng Bachelor of Science in Public Administration noong 2017.

Kaya kung may nagtatanong kung bakit ganito na lamang ang aking dedikasyon sa paglilingkod, simple lang po ang sagot.

Malaki ang utang na loob ko sa taumbayan.

Kung hindi dahil sa pagkakataong ibinigay sa akin ng pamahalaan at sa buwis na ibinabayad ng bawat mamamayan, hindi ako makakarating sa kinalalagyan ko ngayon.

Kaya ngayon, panahon naman para ibalik sa taumbayan ang para sa taumbayan.

Ang aking serbisyo ay hindi lamang pangako, ito ay paraan ng pagbibigay-pugay at pagbabayad ng utang na loob sa komunidad na nagbigay sa akin ng pagkakataong mangarap at magtagumpay.

Maraming salamat po, mga kabarangay ko kayo lagi ang inspirasyon ko para mas lalo mangarap para sa marulas.

06/07/2026

Impeachment Trial Day 1

05/07/2026

Goodnight isang masayang paglilingkod na linggo nanaman po ang dumaan.

05/07/2026

Sunday is Ninong Day. Hello Azrael. 🙂

05/07/2026

'KAPAG LUMAGO HINDI NA HIHINTO'

Umakyat na si Pinay tennis star Alex Eala sa bago niyang career-high na world no. 28 sa Women’s Tennis Association (WTA) live rankings ngayong Linggo, July 5.

Kasunod ito ng makasaysayan niyang panalo kontra sa defending champion na si Iga Swiatek ng Poland sa Wimbledon nitong Sabado, July 4.

May pagkakataon pa si Eala na umangat at makapasok sa Top 25 kung manalo siya kontra kay Jasmine Paolini ng Italy sa Round of 16 sa Lunes, July 6.

05/07/2026
04/07/2026

HER-STORY CONTINUES! 🇵🇭💪🏼

JUST IN: Alex Eala dethrones defending champion and World No. 3 Iga Świątek, 7-6(9), 6-2, in the third round of the 2026 Wimbledon Championships.

This marks another triumph for the Filipina ace against a top 10 player, and her second win over the Polish star. | via Kennedy Caacbay, ABS-CBN News

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Valenzuela?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Marulas
Valenzuela